Kontrata ng MRT sa Busan Transportation Incorporated, balak ng ipatigil ng DOTr

123

Manila, Philippines – Plano nang ipatigil ng Department of Transportation ang kontratang pinasok ng pamahalaan sa Busan Transportation Incorporated na siyang maintenance provider ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3).

Ayon kay Transportation Usec. Cesar Chavez, hindi tumutupad sa kanilang 3.81 billion pesos contract ang Busan.

Inihalimbawa nito ang higit 900 milyong pisong kontrata sa pag-overhaul ng 43 sa 72 mga bagon ng MRT na hanggang ngayon ay hindi pa nasisimulan.


Binigyan na aniya ng sulat ng general services department ang Busan para pagpaliwanagin kung bakit hindi dapat i-terminate ang kanilang kontrata.

Facebook Comments