Tropical storm Dante, nakapasok na sa bansa

Manila, Philippines – Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical storm Dante.

Sa interview ng RMN kay PAGASA weather forecaster Benison Estrajera, huli itong nakita ang sentro nito sa layong 1,170 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Hindi naman inaasahan na tatama sa lupa ang naturang bagyo dahil sa isang high pressure area.


Sa ngayon, wala pang itinataas na storm warning signal sa anumang panig ng bansa.

DZXL558

Facebook Comments