Patuloy na kikilalanin ng pamahalaan ang mga kontratang pinasok nito sa mga Chinese investors.
Una nang sinabi ng Malacañang na ang lahat ng China projects tulad ng Sangley Airport ay ipupursige sa kabila ng hakbang ng Estados Unidos na ilagay sa blacklist ang mga Chinese companies na gumagawa ng reclamation activities sa South China Sea.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, itutuloy ang trade at investment ties nito sa China at isasantabi ang ilang isyu na malabong maresobla sa loob ng ‘lifetime’ na ito.
Igagalang ng Palasyo ang mga kontrata ng Pilipinas sa Chinese companies.
“There is already a decision that the Philippines has sovereign rights where they built the artificial islands and that means whoever built those artificial islands had no legal basis to do so. We are satisfied with that decision,” tugon ni Roque.
Nanindigan din si Roque na tanging Pilipinas lamang ang mayroong sovereign rights sa West Philippine Sea at mayroong karapatang magtayo ng anumang istraktura sa loob ng teritoryo nito.