Pinawalang bisa ng Korte Suprema ang kontrata ng hukuman sa information technology consultant na si Helen Macasaet.
Si Macasaet ay kinuha ng Office of the Chief Justice bilang IT consultant ng Korte Suprema noong panahon ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Lumalabas sa imbestigasyon na hindi dumaan sa public bidding ang pagkuha kay Macasaet at sa halip kinuha siya sa pamamagitan ng negotiated procurement.
Para sa unang kontrata, P100,000 ang kompensasyon kada buwan ni Macasaet, pero sa mga sumunod na kontrata, ang kanyang buwanang kompensasyon ay umabot na sa P250,000.
Ayon sa Korte Suprema, nagkaroon ng paglabag sa procurement law kaya pinasasauli ng hukuman kay Macasaet ang ibinayad sa kanyang consultancy fees.
Sa impeachment hearing sa Kamara de Representantes noong 2018, nabunyag na umabot sa 12 million pesos ang kabuuang naibayad kay Macasaet para sa kanyang limang taong consultancy services.
Ang naturang iregularidad ay isa sa mga naging ang ground sa impeachment complaint laban kay Sereno.
Kalaunan ay naalis sa pwesto si Sereno sa pamamagitan ng Quo Warranto Petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.