Kontrata para sa multimilyong dolyar na infra loan ng Pilipinas sa Japan, dapat isapubliko

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Win Gatchalian sa Department of Foreign Affairs o DFA na i-post sa website nito ang kasunduan kaugnay sa mahigit 202 million dollar na infrastructure loan ng pamahalaan sa Japan para sa mga proyektong makakatulong sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng Mindanao.

Sakop ng nabanggit na loan ang rehabilitation at improvement ng mahigit 178 kilometer road network sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at mga kalapit na rehiyon.

Diin ni Gatchalian, importante na malaman ng taumbayan ang buong detalye ng mga kasunduang pinapasok ng gobyerno para masiguro na mapapatupad ang mga ito at magagamit sa wastong paraan.


Dagdag pa ni Gatchalian, ang nabanggit na hakbang ay magbibigay kasiguraduhan naman sa bahagi ng lenders na ang perang hiniram sa kanila ay may basehan at hindi mapupunta sa mga ghost projects.

Facebook Comments