Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kontrata para sa konstruksyon ng North-South Commuter Railway Project sa Calamba, Laguna na mapakikinabangan ng mga Pilipino sa taong 2028.
Sa talumpati ng pangulo, sinabi nitong ang commuter railway project na ito ay magkokonek mula Pampanga – Manila hanggang Laguna na aabot sa layong 56 kilometers.
Mula aniya sa dalawang oras na biyahe mula Manila hanggang Laguna ay magiging isang oras na lamang ito at kaya nitong mag-accommodate ng 340,000 pasahero kada araw.
Sinabi pa ng pangulo, co-financing sa proyektong ito ang Japan International Cooperation Agency at Asian Development Bank (ADB).
Dagdag pa ng pangulo na ang pagpirma ng kontrata para sa proyektong ito ay nagpapakita na seryoso ang bansa na ipagpatuloy ang mga malalaking proyektong pang imprastraktura para mas mapa-angat ang ekonomiya ng bansa.