Liderato ng Kamara, nangako na ipaprayoridad ang kapakanan at karapatan ng mga guro

47

Kaugnay sa selebrasyon ng National Teachers’ Day ay tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na mananatiling masigasig ang Mababang Kapulungan sa pagpasa ng mga panukalang batas para sa kapakanan at karapatan ng mga guro.

Una ring nagpahayag ng pasasalamat at pagpupugay si Romualdez sa sakripisyo at serbisyo ng mga guro lalo na nitong pandemya.

Panalangin ni Romualdez na patuloy na pagpalain at biyayaan ng pagmamahal ng Panginoon ang ating mga guro.


Kasabay nito ay hinikayat ni Romualdez ang lahat na sinserong pasalamatan at kilalanin ang paglilingkod ng Filipino teachers.

Diin ni Romualdez, hindi dapat malimutan ninuman ang malaking ambag ng ating mga guro sa paghubog sa ating pagkatao at tamang asal at sa nation-building.

Facebook Comments