Kontrata sa Yolanda housing, ipinare-rebid ng National Housing Authority

Manila, Philippines – Muling idadaan sa bidding ang kontratang naigawad ng National Housing Authority (NHA) sa JC Tayag Builders Inc., ang contractor ng Yolanda housing sa Eastern Visayas.

Dahil dito, naatakdang kanselahin na ng NHA ang kontratang iginawad sa JC Tayag Builders.

Sa pagdinig ng House Committees on Housing and Urban Development at Good Government and Public Accountability, sinabi ni NHA Asst. General Manager Froilan Kampitan na padadalhan na ng letter of termination ang contractor na si Juanito Tayag.


Plano namang idaan muli sa bidding ang kontrata upang maayos na matapos ang natitirang bahagi ng housing projects para sa mga Yolanda victims.

Pero sa pagdinig ay muling iginiit ni Tayag na hindi sila gumamit ng substandard na materyales at hindi niya alam kung bakit may 8mm na bakal na ginamit sa pagpapagawa ng bahay sa halip na ang standard na 10mm.

Katwiran pa nito, posibleng may nananabotahe sa hawak niyang proyekto.

Aabot sa 800 Million ang kontratang nakuha ng JC Tayag Builders para sa Yolanda Housing.

Facebook Comments