Palasyo, nalungkot sa pagreject ng CA kay Ubial

Manila, Philippines – Ikinalungkot ng Palasyo ng MalacaƱang ang hindi pagkapasa ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial sa makapangyarihang Commission on Appointments o CA.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakalulungkot na hindi nakalusot si Ubial sa CA sa kabila ng mga nagawa nito sa Department of Health.

Nagpasalamat naman ang MalacaƱang kay Ubial dahil malaki ang naiambag nito sa Philippine Health Agenda ng administrasyon na All for Health Towards Health for all.


Matatandaan na si Ubial ang ika-5 sa mga appointees ni Pangulong Duterte na hindi nakalusot sa Commission on Appointments.

Wala namang binanggit si Abella kung sino ang posibleng ipalit kay Ubial sa DOH at kung nagsimula na ba ang selection process para makahanap ng bagong kalihim nito.

Facebook Comments