Kontribusyon ng Muslim brothers sa demokrasya ng bansa, ipinaalala ni Sen. Gordon

Manila, Philippines – Hinikayat ni Senator Richard J. Gordon ang mamamayang Pilipino, na kasabay ng selebrasyon ng Eid ‘l Fitr ay gunitain din ang naging kontribusyon ng mga pilipinong Muslim sa demokrasya ng bansa.

Paalala ni Sen. Gordon, may malaking naging papel ang mga kapatid nating muslim sa kasaysayan ng bansa dahil katuwang sila sa pakikibaka sa mga dayuhang mananakop.

Bunsod nito ay binigyang diin ni Senator Gordon na karapat dapat ang pagrespeto, pag unawa at pagtanggap sa mga kapatid nating Muslim.


Isa aniyang paraan ng pagpaparamdam ng respeto sa kanila ang pakikiisa sa pagdiriwang na Eid ‘l Fitr.

Panawagan naman ni Senator Loren Legarda, kasabay ng pagdiriwang ng Eid ‘l Fitr, ay makipagtulungan tayong lahat sa pagbuo ng ating Muslim brothers ng mapayapang komunidad kung saan umiiral ang respeto sa kabila ng ating pagkakaiba iba.

Hinikayat din ni Senator Legarda ang publiko na magnilay nilay sa mga aral na hatid ng Eid ‘l Fitr tulad ng paggiging mapagkumbana, mapagpasensya at pagiging mapagbigay.

Facebook Comments