Kontrobersiyal na kandidato sa Pasig City, iginiit sa Comelec na freedom of speech ang pahayag tungkol sa mga single mom

Inilabas ng Commission on Elections ang naging sagot ng kandidato sa Pasig City na si Atty. Christian Sia hinggil sa show cause order na ipinadala sa kaniya noong nakaraang linggo.

Batay sa tugon ni Atty. Sia, mayroong constitutional infirmity sa Comelec Resolution No. 11116 dahil ginawa ito alinsunod sa Section 13 ng Republic Act No. 9006.

Gayunman, nakasaad sa Section 13 na ang rules and regulation na inisyu alinsunod dito ay dapat para sa implementasyon ng naturang batas.


Pero labas na aniya ito sa hurisdiksyon ng poll body dahil limitado lang ang kanilang tungkulin sa pagpapatupad ng batas at alintuntunin na may kaugnayan sa pagdaraos ng mga halalan at mga kahalintulad nito.

Itinanggi rin ni Atty. Sia na wala siyang nilabag nang sabihin ang kontrobersiyal na biro tungkol sa mga single mom sa lungsod at hindi raw niya layong manghamak, mangutya, manlait o ipagkait sa mga single parent ang kanilang karapatan.

Idinahilan pa ni Atty. Sia na ang pangangampanya ang paraan ng pakikipag-usap sa constituents at pumapasok din ang mga pahayag sa kaniyang freedom of speech.

Facebook Comments