Kinumpirma ng Malakanyang na epektibo na sa July 18, 2020 ang kontrobersyal na Anti-Terrorism Law.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang batas na ito ay nagpapatunay lamang na seryoso ang pamahalaan sa pagsugpo sa mga teroristang nagdulot na ng matinding takot sa maraming tao.
Inaasahan namang magtatalaga ang Pangulo ng konseho na siyang mamumuno sa paghuli ng mga mapapatunayang terorista sa bansa.
Kasabay nito, patuloy pa rin ang pagtutol ng mga progresibong grupo sa bansa kaugnay sa pagpirma ng Pangulo sa nasabing batas.
Facebook Comments