Kontrobersyal na bakbabakan nina People’s Champ Manny Pacquiao at Australian Boxer Jeff Horn, nais ipa-review ng Games and Amusement Board

78

Manila, Philippines – Pinare-review ng Games and Amusement Board sa World Boxing Organization ang video ng laban ni Manny Pacquaio at Jeff Horn nitong July 02.

Kasunod na rin ito ng ilang puna ng maraming boxing fans sa unanimous decision win na ibinigay ng mga judges kay Horn.

Ayon kay GAB Chairman Abraham Mitra – nilinaw nito na wala silang balak na baliktarin ang resulta ng laban at ang gusto lamang nila ay maliwanagan sa resulta ng botohan, maging ang tila pagkukulang ng referee.


Kung maaalala maging si Pacquiao at ang kanyang trainer na si Coach Fredie Roach ay pinalagan ang kabiguan ng referee sa paggamit ng “bullying tactics ang 29-anyos na si Horn.

Sakaling mapatunayang guilty ang mga judges at ang referee, isusulong ng GAB na patawan ang mga ito ng sanction.

Facebook Comments