PNP, nangako ng hustisya sa kaanak ng mga pinatay sa Bulacan – pero deadline sa resolusyon ng kaso, hindi pa masigurado

160

Bulacan – Tiniyak ni PNP Chief. Dir. Ronald Dela Rosa na makakamit ni Dexter Carlos ang hustisya sa pagmasaker sa kanyang pamilya sa San Del Monte, Bulacan.

Sa pagbisita nito sa huling burol ng mag-anak ni Carlos sa Barangay Santo Cristo – tiwala ito na mabibigyan linaw at mapapanagot ang mga responsable sa krimen.

Kasabay nito, ibinulgar ni Dela Rosa na may dalawa pang bagong person of interest na tinututukan ang PNP sa posibleng kasama ng suspek na si Camelino Ibañez nang gawin ang masaker.


Una nang napaulat na nawawala ang isa sa mga nauna nang ipinatawag na person of interest sa krimen na si Alvin Mabesa pero, sinabi ni PNP Region 3 Dir. Senior Superintendent Aaron Aquino na hindi pa nila ito maaaring arestuhin dahil pa ito direktang sangkot sa kaso.

Hindi naman nagtakda ang PNP ng deadline para matapos ang imbestigasyon sa masaker.

Facebook Comments