Itinuturing na patay na ni Hong Kong leader Carrie Lam ang extradition bill matapos sumiklab ang kaliwa’t kanang protesta.
Ayon kay Lam, ang nasabing panukalang batas ay masasabing malaking failure o kabiguan.
Sa nasabing panukala – ipapadala ng gobyerno ng Hong Kong ang mga suspek para humarap sa paglilitis sa China.
Giit ng mga lider ng Hong Kong – kailangan ang naturang batas para matapalan ang mga butas at mapigilan ang puganteng manatili sa siyudad.
Pero ikinabahala ito ng mga kritiko na baka gamitin lang ito para pumabor ang katarungan sa Chinese Communist Party.
Facebook Comments