Mga batikos ng kritiko hindi tumatalab kay PRRD – Palasyo

Manila, Philippines – Nang-asar na lang ang Palasyo ng MalacaƱang sa mga kritiko ng administrasyong Duterte matapos makuha ni Pangulong Rodrigo Duterte ang record breaking performance rating nito.

Batay kasi sa survey ng SWS ay lumalabas na 80% ng mga Pilipino ang kuntento sa performance ng Pangulo.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, habang binabato ng mga kritiko ng putik si Pangulong Duterte ay mas lalong nagtitiwala dito ang publiko, habang pinararatangan ng pangit na akusasyon ang Pangulo ng mga militanteng grupo at ng simbahan ay mas lalong gumaganda ang imahe ng Pangulo at habang mas nagiging biased ang media laban sa Pangulo ay mas lalo itong minamahal ng publiko.


Binigyang diin pa ni Panelo na isinagawa ang survey sa kainitan ng Recto Bank issue na nagpapakita lang na buo ang suporta ng mga Pilipino sa Pangulo.

Pinayuhan ni Panelo ang mga kritiko ng administrasyon at kainin na kanila ang kanilang pride at tanggapin na ang panawagan ng Pangulo ng pagkakaisa para sa ikabubuti ng bansa.

Facebook Comments