MANILA – Posibleng gayahin din ng Philippine Drug Enforcement Agency ang kontrobersyal na “oplan tokhang” ng Philippine National Police.Kasunod na rin ito ng isinagawang emergency command conference ng PDEA upang ilatag ang mga plano kontra iligal na droga sa bansa.Sa interview ng RMN kay PDEA Spokesman Derrick Carreon – sinabi nito na tulad ng oplan tokhang, tatawagin nilang “house visit” ang magiging diskarte sa kanilang kampanya kontra iligal na droga.Bukod sa high value target, pagtutuunan din ng pdea ng pansin ang barangay drug clearing operation.Samantala, bilang bahagi ng war on drugs, sorpesang isinailalim sa mandatory drug test ang walong daang opisyal at personnel ng PDEA.Sinabi ni Carreon na ito ay bahagi ng internal cleansing sa kanilang hanay.Isasailalim rin sa lifestyle check ang mga opisyal ng pdea kasunod ng alegasyon na mayroon umanong opisyal na tumanggap ng suhol mula sa drug personalities.
Kontrobersyal Na Oplan Tokhang Ng Philippine National Police – Posibleng Gayahin Ng Pdea Sa Kanilang War On Drugs….800 N
Facebook Comments