Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang kontrobersyal na police official na si PLt Col. Mark Julio Abong.
Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., kung saan December 18, 2023 pa niya napirmahan ang nasabing dissmissal order.
Si Abong ay naging kontrobersyal matapos mag amok at magpaputok ng baril sa isang bar sa Quezon City.
Ipinatupad anya ito matapos ibasura ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at National Police Commission (NAPOLCOM) ang apela ni Abong kaugnay sa hit and run incident na kinasangkutan ni Abong noong isang taon na nagresulta sa pagkasawi ng binangga nitong tricycle driver at ikinasugat ng pasahero nito na tinangka pang i-cover up.
Matatandaang kinansela na ng PNP EXPLOSIVES OFFICE (FEO) ang License To Own and Possess Firearm (LTOPF) at registration ng 3 mga baril ni Abong na pawang expired na ang mga lisensya.
Dahil sa dimissal, hindi na matatanggap ni Abong ang kanyang benepisyo.