DOT, tiwalang maabot ang ₱1.5-T na kita sa domestic tourist ngayong 2024

Tiwala ang Department of Tourism (DOT) na maabot ang target na ₱1.5 trillion na kita sa domestic tourism ngayong taon.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ginagawa nila ang lahat ng paraan para mapaganda ang mga pasilidad ng bawat local tourist spots sa bansa.

Dito mas lalong dadami pa ang local tourists sa bawat lugar.


Isa na nga sa programang isinusulong nila ngayon ay kung paano maipapakilala ang ilang mga hindi gaanong napupuntahang lugar.

Sa ngayon, nangungunang bisitahin ng mga turista ang Cebu, Palawan, Boracay, Siargao, Metro Manila, at Batangas.

Facebook Comments