Iniutos umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang paglipat ng ₱47.6 billion mula sa Department of Health (DOH) patungo sa Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) para sa pagbili ng COVID-19 supplies noong 2020.
Inihyag ito ni dating Health Secretary Francisco Duque III sa pagdinig ng House Committee on Appropriations kaugnay sa paggamit ng pondo ng DOH at ng PhilHealth.
Tugon ito ni Duque sa pag-usisa nina ACT Teachers Party-list Representative France Castro at Iloilo 1st District Representative Janette garin kung bakit inilipat ang naturang salapi.
Kamakailan, ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft laban kay Duque at dating DBM Undersecretary Christopher Lao kaugnay sa naturang “irregular transfer” umano sa pondo ng DOH sa PS-DBM.