Kontruksyon sa Drainage System sa Tuguegarao City, Sisimulan na

Cauayan City, Isabela- Uumpisahan na ng DPWH ang pagsasaayos sa matagal nang problema na drainage system sa Lungsod ng Tuguegarao.

Ang proyekto na nagkakahalaga ng Php47.854,341.91 ay inaasahan na masosolusyunan ang isa sa mga matagal ng problema sa lungsod na pagbaha tuwing sasapit ang walang patid na pag-uulan.

Ayon kay Cagayan Third District Rep. Joseph ‘Jojo’ Lara, bagamat ang nasabing proyekto ay hindi kasama sa mga prayoridad na programa sa budget para sa taong 2020, binigyang diin nito na ito ay isa sa mga kagyat na proyekto na matagal ng hinihiling ng mga residenteng nakatira sa lugar.


Dagdag ni Lara, hindi lamang ang mga residente ng barangay Caggay at Leonarda ang mabebenepisyuhan ng nasabing proyekto kundi magiging kaluwagan din ito para sa mga residente ng mga barangay Pengue Ruyu, Tanza at sa ilang bahagi ng Carig Sur at Norte.

Hindi na rin aniya kailangang ipagpaliban pa ang proyektong ito upang hindi na muling makapagdulot ng problema sa lugar.

Pakiusap naman ni Lara sa mga kapitan ng mga barangay na makipagtulungan para sa maayos na implementasyon ng nasabing proyekto.

Facebook Comments