Nagpasalamat si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa mga abogado nina Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno.
Kasunod ito ng kanilang pasya na hindi na sila maglalahad ng mga pagkwestyon o pagtutol sa takbo at resulta ng canvassing ng boto para sa presidential at vice presidential elections na ginagawa ng Kongreso bilang National Board of Canvassers.
Para kay Zubiri, ang nabanggit na hakbang ay nagpapakita ng kabutihan at pagiging makabayan na higit ngayong kailangan para makausad tayo mula sa nangyaring eleksyon na punung-punong ng emosyon.
Dahil dito, tiwala si Zubiri na mas lalo pang mapapabilis ang canvassing ng boto para makamit ang target na bukas maiproklama na sina presumptive President Ferdinand Bongbong Marcos Jr., at presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio.