Kooperasyon ni dating Gov. Pryde Henry Teves sa Degamo slay case, inaasahan ng PNP

Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang kooperasyon ni dating Governor Pryde Henry Teves sa imbestigasyon hinggil sa karumal-dumal na pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ang pahayag ay ginawa ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo kaugnay sa sinabi ng dating gobernador na handa siyang pumirma ng waiver para buklatin ang kanyang personal na komunikasyon at mga bank account para patunayang wala siyang tinatago.

Ayon kay Fajardo, maganda na si Gov. Teves na mismo ang magsabi na handa siyang humarap sa imbestigasyon dahil marami itong dapat ipaliwanag.


Kabilang na rito ang sangkaterbang mga armas na nakuha sa pag-aari nyang compound, kabilang ang snipper riffle at ang narekober na improvised explosive device na karaniwang ginagamit ng mga terorista.

Facebook Comments