Kautusang nagdi-dismiss sa isang police officer at pagkakasuspinde ng 3 iba pa dahil sa nangyaring hit-and-run accident sa QC, nirerespeto ng PNP

Nirerespeto ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang naging desisyon ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) na nagdi-dismiss kay Lt. Col. Mark Julio Abong mula sa serbisyo at pagkakasuspinde naman sa tatlong iba pang pulis.

Ang nasabing desisyon ay nag-ugat makaraan ang hit-and-run incident na nangyari sa kahabaan ng Anonas Road sa Quezon City noong August 6, 2022.

Ayon sa PNP, hindi kailanman nila kinukunsinti ang maling gawain sa kanilang organisasyon.


Suportado rin nila ang nagpapatuloy na imbestigasyon at igagalang anuman ang maging pinal na hatol.

Nangako rin ang liderato ng PNP na maigting nilang ipatutupad ang zero tolerance sa pang-aabuso mula sa kanilang hanay.

Sa katunayan, tuloy-tuloy ang internal cleansing programs sa PNP upang malinis ito mula sa mga police skalawags.

Ang naturang mga police officer ay sangkot sa cover-up ng isang hit-and-run incident kung saan nasawi ang isang tricycle driver at sugatan naman ang kanyang pasahero.

Facebook Comments