Hinikayat ang mga salt producers sa Infanta, Pangasinan na bumuo at maayos na pamahalaan ang kooperatiba sa isinagawang Organizational Development Seminar para sa industriya ng asin sa bayan.
Layunin nitong mabigyan ang mga kalahok ng sapat na kaalaman at kasanayan sa pag-oorganisa, pagtatatag, at epektibong pamamahala ng isang kooperatiba.
Alinsunod sa Republic Act No. 11985, hinihikayat ang mga salt producer na magbuklod bilang kooperatiba upang mas madali silang makakuha ng mga benepisyo at tulong na nakalaan sa ilalim ng batas.
Dumalo rin sa seminar ang ilang persons with disabilities na nagpahayag ng interes na makabuo rin ng sarili nilang kooperatiba bilang bahagi ng pagpapalakas ng kanilang kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










