Wednesday, November 18, 2026

Koordinasyon ng mga local officials mula sa mga bansa na kabilang sa ASEAN, mahalaga para mapalakas pa ang mga programa ng mga lokal na pamahalaan

Naniniwala si Manila City Mayor Isko Moreno na importante ang maayos na koordinasyon at pagtutulungan ng mga bansa na kabilang sa ASEAN.

Ito’y para mapalakas pa ang mga proyekto at programa na magbebenepisyo ang taong bayan.

Sa pahayag ni Mayor Isko sa ginaganap na ASEAN Governors and Mayors Forum, sa pamamagitan ng ganitong paraan, posibleng magkaroon ng karagdagang kaalaman para umunlad, mapalawak at mapaganda pa ang mga plano ng mga lokal na pamahalaan.

Sinabi pa ng alkalde, maaari rin matuto ang bawat isa kung paano ilalatag ng maayos ang mga programa kung saan mabilis din makakarating ang tulong o suporta kung kinakailangan.

Kaugnay nito, muling sinisiguro ni Mayor Isko sa mga delegado ng nasabing ASEAN forum na bukas ang lokal na pamahalaan ng Maynila na makatuwang sila para magbigay ng suporta para sa kapakanan ng kani-kanilang mamamayan.

Facebook Comments