Wednesday, November 18, 2026

PBBM at US President Donald Trump, nakatakdang magpulong sa Malacañang ngayong Miyerkules

Mahigpit ang seguridad na ipinatutupad sa paligid ng Malacañang dahil sa inaasahang pagdating ni US President Donald Trump.

Ito ay para sa bilateral meeting nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago tumulak ang dalawang lider patungong China para naman sa APEC Summit.

Sa ngayon ay nakalatag na rin ang red carpet sa Malacañang grounds para sa arrival ceremony bagama’t wala pang eksaktong oras ng pagdating ng pangulo ng Estados Unidos.

Una nang sinabi kagabi ni Trump na mas matibay ang relasyon ngayon ng dalawang bansa lalo na pagdating sa pagpapaigting at modernisasyon ng national defense.

Inilarawan niya rin ang Pilipinas bilang malapit na kaalyado kasabay ng muling paggiit ng suporta para sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya at Indo-Pacific.

Wala pa namang impormasyon kung magkakaroon ng pirmahan ngayong araw para sa kontrobersiyal na pagtatayo ng Pax Silica industrial hub sa bansa na mariing tinututulan ng iba’t ibang grupo kabilang na ang mga maaapektuhang residente.

Facebook Comments