Kopya ng impeachment complaint, ipinadala sa tanggapan ni Speaker Alvarez

417

Manila, Philippines – Ipinadala na sa tanggapan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang kopya ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.

 

Ang kopya ng impeachment complaint ay mula kay Atty.  Oliver Lozano at Melchor Chavez.

 

Hindi pa maihahain ang complaint laban kay Robredo dahil wala pa itong endorsement mula sa sinumang kongresista.

 

Sa opisina ni Alvarez idineretso ang kopya ng impeachment sa pag-asang ieendorso ito ng Speaker.

 

Base sa kopya ng complaint, grounds nito ang culpable violation of the constitution at betrayal of public trust dahil sa video message na ipinadala sa UN kung saan binabatikos nito war on drugs ng Duterte administration.

 

Batay sa reklamo, siniraan ng Bise Presidente ang bansa sa buong mundo at disservice ito sa sambayanang Pilipino.







Facebook Comments