LP, hinamon na patunayang wala silang kinalaman sa impeachment case laban kay Pangulong Duterte

109

Manila, Philippines – Hinamon ni Senate President Koko Pimentel ang Liberal Party o LP na kondenahin ang impeachment complaint na inihain ni Magdalo Partylist Group Representative Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ito ayon kay Pimentel, ay para patunayan ng LP ang kanilang iginigiit na wala silang kinalaman sa pagpapa-impeach kay Pangulong Duterte.

 

Ayon kay Pimentel, dahil sa nabanggit na impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte ay tila nagising ang isang sleeping giant na si House Speaker Pantaleon Alvarez.

 

Katwrian ni Pimentel, reaksyon lang ni Speaker Alvarez sa pagpapa-impeachment kay President Duterte ang pinaplano nitong paghahain din ng impeachment complaint laban naman kay Vice President Leni Robredo.

Facebook Comments