Kopya umano ng video ni Isnilon Hapilon na nagpaplanong salakayin ang Marawi City, natanggap na ng AFP

Manila, Philippines – Natanggap na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng kopya ng video kung saan makikita ang pagplano ng Maute Group sa pagsalakay nito sa Marawi City.
Sa video, makikita ang leader ng Abu Sayyaf Group at Emir ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon na pinangungunahan ang pag-atake sa Marawi.
Dito kinumpirma ni AFP Chief of Staff, Gen. Eduardo Año na si Hapilon ang nasa video.
Malinaw aniya na gusto ng grupo na magtayo ng Islamic State sa bansa.
Sabi pa ni Año, plano ng mga terorista na umatake noong Mayo 26 o sa simula ng ramadan.
Pero napa-aga ang lahat nang tangkaing hulihin si Hapilon ng militar at pulis.
DZXL558

Facebook Comments