KORAP | Jing Paras, iaapela ang graft ni Guihulngan Negros Mayor Reyes

Iaapela ni dating Negros Representative Jing Paras sa Korte Suprema ang pagka-abswelto ni Guihulngan Negros Mayor Ernesto Reyes.

Ito aniya ay upang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng P80 milyong pondo ng bayan ng Guihulngan sa Negros.

Ito ay makaraang mapawalang saysay ng graft court ang apat na kasong graft ni Guihulngan Negros Mayor Ernesto Reyes kaugnay ng pag-overpriced sa construction works at kawalang bidding sa mga proyektong pinasok ng bayan na ginastusan umano ng P80 milyon.


Naniniwala si Paras na may hustisya pa ring makukuha ang kanyang mga dating mga constituents na nagsampa ng kasong 4 counts ng graft kay Reyes sa graft court may sampung taon na ang nakakaraan.

Umaasa din si Paras na mabibigyan pa rin ng pagpabor ang pamahalaan sa kasong graft na naisampa nila kay Reyes dahil naniniwala aniya siya na ang pamahalaang Duterte ay galit sa mga korap sa bayan.

Kaugnay nito, sinabi ni Paras na magsusumite ang kanilang panig ng motion for reconsideration sa First Division ng Sandiganbayan kaugnay ng kaso sa loob ng susunod na 15 araw.

Ang kasong 4 counts ng graft ay naisampa sa Sandiganbayan ng mga taga Guihulngan laban kay Reyes noong 2008 at hanggang sa ngayon ay humihingi sila ng hustisya sa pamahalaan hinggil sa kasong ito hinggil sa anila ay paglustay ni Reyes sa kaban ng kanilang bayan.

Facebook Comments