Mahigpit na tinututukan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kaso ng graft and corruption sa pamimigay ng Social Amelioration Program (SAP).
Kasunod na rin ito ng pagpapalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 30,000 pesos na pabuya laban sa mga opisyal ng Pamahalaang Lokal na ibinubulsa ang pondo ng SAP.
Sa interview ng RMN Manila kay Usec. Jonathan Malaya, inatasan na ni DILG Secretary Eduardo Año ang Philippine National Police (PNP), katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI) na aksyonan ang mga reklamong sa pamimigay ng SAP.
Bukod rito, sinabi ni Malaya na sakali man na may sabwatan na nagaganap sa mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan, City o Municipal Social Welfare, maging sa mga pulis, maaari pa rin ireport ng taongbayan sa government hotline na 8888.
Sa public address kagabi ni Pangulong Duterte, pinangalanan niya ang barangay kagawad sa Brgy. Agustin, Hagonoy, Bulacan na si Danilo Flores na isa aniya sa mga korap na opisyal.