
Iginiit ng isang mahistrado ng Korte Suprema na kailangan nang paunlarin ang sistema ng pagbubuwis sa bansa.
Ayon kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, mas nagiging tuso at mahirap nang matukoy ang mga bagong estilo ng korapsyon, kaya’t dapat itong bantayan at labanan.
Binira ng mahistrado ang lumalalang katiwalian sa sistema ng buwis.
Kaugnay niyan, malaking tulong naman aniya ang teknolohiya sa pagpapahusay ng pangangasiwa ng buwis at transparency.
Tinalakay rin ni Justice Leonen ang digital na reporma sa hudikatura sa pamamagitan ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027 at eCourt PH 2.0. na layong gawing gawing digital ang proseso ng korte upang mapabilis ang paglilitis at mapabuti ang access sa hustisya.
Facebook Comments