
Muling sasamahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga kandidato ng administrasyon sa Senado ngayong araw.
Biyaheng Iloilo ngayon ang pangulo, para sa ikalawang kampanya ng kaniyang senatorial slate.
Matatandaang unang sinamahan ng pangulo ang kaniyang tiket nitong Martes sa Ilocos Norte.
Dito ibinida ng pangulo ang husay ng line up ng administrasyon na higit na maipagmamalaki kumpara sa ibang partido.
Inaasahan namang muling ipananawagan ng Pangulo ang 12-0 sweep resultang target na makamit ngayong midterm election.
Facebook Comments