Korean actor Park Bo Gum, nasa Pilipinas para sa kanyang fan meet

92
Image via Moonlight

Dumating na sa bansa ang Korean actor na si Park Bo Gum ngayong araw.

Andito siya sa Pinas para sa kinasasabikang fan meet na magaganap sa SM Mall of Asia (MOA) Arena ngayong Sabado, Hunyo 22.




Hindi natuloy ang unang fan meet schedule ni Bo-gum nitong Abril 27 dahil sa tumamang malakas na lindol sa buong bansa.

Sinimulan ng 25 taong gulang na Korean heartthrob ang kanyang Asian tour sa Seoul, South Korea noong Enero 26. Bibisitahin din niya ang mga bansang Indonesia, Malaysia, Hong Kong, at Taiwan.

Sumikat si Bo-gum dahil sa natatanging pagganap bilang Lee Yeong, isang crown prince sa romantic comedy series “Love in the Moonlight”.

Sa ngayon, ang kanyang huling palabas ay “Encounter” at nakatambal niya rito ang kilalang actress na si Song Hye Kyo.

Facebook Comments

From Advertisers