Unity walk motorcade ng kapa sa QC, nagpapatuloy

111

 

Nagpapatuloy ang unity walk ng mga miyembro at tagasuporta ng KAPA Community Ministry sa Quezon City Memorial Circle.

 

Bandang alas dos kanina nang magtipon tipon ang mga ito sa Visayas ave at 3:30pm  nang maglakad  sila  sa elliptical road.


 

Bitbit ang mga pito at mga pampaingay sabay sabay silang  nagsagawa ng noise barrage.

 

Ang pagkilos ay sabay sabay na isinagawa ngayong araw sa ibat ibang panig ng bansa sa layuning ipaabot kay Pangulong Duterte ang kabilang panawagan na ikonsidera ang pagpapasara sa  organisasyon.

 

5:30pm naman  mamaya ay magsisimula ang kanilang pormal na programa.

Facebook Comments

From Advertisers