Kalaboso sa isinagawang entrapment operasyon ng NBI sa Mandaluyong City ang isang Korean National na sangkot sa large scale estafa.
Inireklamo ang suspek na si Park Yoon Ki matapos humingi ng limang milyong piso sa isa ring Korean National kapalit ng paglalabas ng temporary restraining order sa Cebu RTC para sa kaniyang kaso.
Ayon kay NBI Special Task Force Chief Head Agent Moises Tamayo, nakapagbigay na ng tatlong miyong piso ang biktima noong hunyo pero bigong makapagbigay ng TRO ang suspek.
Tiniyak naman ni Tamayo na makikipag-ugnayan sila sa Korean Embassy hinggil sa kaso ng suspek.
Facebook Comments