Korean national at apat na kasamahan, nakunan ng 420-thousand pesos na shabu sa Misamis Oriental

Cagayan De Oro, Philippines – Umabot sa 420-thousand pesos ang nakuha ng kapulisan ng Cagayan De Oro at Misamis Oriental sa isinagawang buy bust operation.

 

Unang naaresto kagabi sa Del Carmen Beach Resort sa Logonglong, Misamis Oriental sina Kevin Young Ju, isang Korean national, Aldrin Bacuma, at ang mga babaeng magkapatid na sina Kimberly Bernal at Hannah Bernal.

 

Samantala, naaresto naman kaninang umaga sa man hunt operation ang target sa operasyon na si Jobern Balingao Uy.

 

Maliban sa 70 grams na droga, nakuha rin ng kapulisan ang 2,500 pesos na buy bust money at drug paraphernalia.



Facebook Comments