Lalaking dati nang sumuko sa oplan tokhang, patay sa pamamaril

96

Pagadian, Philippines – Patay ang isang dating illegal drug suspek na sumuko sa “oplan tokhang” matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa purok  Bajada, Brgy. Dao lungsod  ng  Pagadian, kaninang alas 5;30 ng umaga.

 

Nakilala ang biktima na si Rene Aranez , tricycle driver, residente sa  Brgy. Banale sa nasabing lungsod.

 

Sa imbestigasyon ng Pagadian City PNP, pauwi na ang biktima galing sa pamamasada  nang harangin at barilin ng mga suspek gamit ang calibre 45 na pistola base sa mga basyo ng bala na nakuha sa crime scene.

 

Sinabi ni Dao Brgy. Captain Joseph Guillar, dating nang sumuko sa tokhang ang biktima noong 2016.



Facebook Comments