Korean national na ikinulong ng mga kapwa nito Koreano, na-rescue ng PNP-CIDG sa Parañaque City

Arestado ang tatlong Korean national matapos na ikinulong ang kapwa Koreano sa Parañaque City dahil sa online telecom fraud.

Kinilala ang mga naaresto na sina Hyeok Soo Kwon, at Dong Woo Sim, kapwa 38 anyos at Yeongjun Lim 35 anyos na mga miyembro ng Korean voice phishing criminal group.

Habang ang biktimang na-rescue ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) ay kinilalang si Gunsee Lee, 35-anyos.


Sa ulat ng PNP-CIDG Southern Metro Manila, isinagawa nila ang rescue operation sa isang gusali sa San Pedro St., SAV 2, Brgy. San Isidro, Parañaque City.

Sa imbestigasyon, si Gunsee Lee ay bagong recruited caller ng criminal group na kanilang ikinulong matapos na magbigay ng impormasyon sa mga awtoridad kaugnay sa kanilang online telecom fraud.

Modus ng grupo na hikayatin ang kanilang mga kapwa koreano na mag-invest o mag-loan sa kanila pero hihingian agad ng processing fee.

Sa ngayon nahaharap na ang mga suspek sa patong patong na kaso.

Facebook Comments