Hindi na nakapalag ang isang Koryanong pugante sa South Korea matapos arestuhin ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa kasong may kinalaman sa cyber sex o online prostitution.
Bukod sa mga ahente ng BI, sumama rin sa pag-aresto kay Seo Jungnam ang mga tauhan ng Seoul Interpol.
Si Seo ay nahaharap sa sexual exploitation/prostitution case at online prostitution at sinasabing nakatangay ito ng 32 million Korean Won at ang kanyang mga kasabwat sa krimen.
Isasailalim mula sa proseso at documentation ang suspek bago tuluyang i-turn over sa Korean authorities.
Facebook Comments