UP Diliman, pinasok ng mga sundalo

1729

Sa harap ng kontrobersya kaugnay sa pagbasura ng Department of National Defense (DND) sa kasunduan na naglilimita sa mga pulis at sundalo sa loob ng University of the Philippines (UP).

Pinasok kaninang umaga ng mga tauhan ng 7th Civil Relations Group (7CRG) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang UP Diliman Campus.


Ayon kay Maj. Celeste Frank Sayson, ang Commander ng 7CRG, binisita nila ang “community gardens” na itinayo nila sa UP sa tulong ng UP community na bahagi ng proyektong “Raise to 1 Million Gardens in the NCR”.

Sinabi pa ni Sayson, sinimulan nila ang proyekto para makatulong sa mga nawalan ng hanapbuhay at masiguro ang supply ng pagkain sa Metro Manila sa gitna ng pandemya, sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay sa mga bakanteng lupain sa syudad.

Sa ngayon aniya ay 6 na community gardens sa loob ng UP Campus ang kanilang binabantayan.

Maliban dito, sinabi ni Sayson na sa panahon ng pandemya ay labas pasok sila sa UP na naka-uniporme gamit ang mga sasakyan ng militar para maghatid ng pagkain at relief goods sa mga nangangailangan sa Brgy. UP Campus bilang bahagi ng kanilang “Kapwa ko, Sagot ko” project.




Facebook Comments