Korean national, natagpuang patay sa kanyang condominium unit sa Maynila

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang Korean national sa loob ng kanyang condominium unit sa Green Residences sa Malate, Manila.

Kinilala ng Manila Police District (MPD)-Homicide section ang biktima na si Sung Chul Hahn, 55 yrs old.

Nagpasya ang administrative staff ng gusali ng condominium unit na buksan na ang kwarto ng biktima sa pamamagitan ng key duplicate dahil hindi ito sumasagot sa mga tawag sa kanya at doon natuklasan na wala pala itong buhay


Nabatid na una nang isinugod sa ospital ang biktima ng kanyang kaibigang si John Young dahil nahihirapan itong huminga.

Lumalabas naman na negatibo sa COVID-19 ang koreano.

Facebook Comments