Truck Driver, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

53

Cauayan City, Isabela- Huli ang isang truck driver sa aktong pagbebenta ng iligal na droga bandang 4:40 ngayong hapon sa pambansang lansangan ng Cabatuan road na sakop ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Richard Rivera, nasa tamang edad, empleyado ng isnag ricemill at residente ng San Manuel, Isabela.


Positibong napagbentahan ng suspek ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P1,000 na marked money.

Nakumpiska sa pag-iingat nito ang dalawang (2) pakete ng pinaniniwalaang shabu at mga iba’t ibang uri ng identification card (IDs).

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kustodiya ng Cauayan City Police Station.


Facebook Comments