Korean National, patay matapos mahulog sa isang condominium sa Pasay

40

Manila, Philippines – Walang palatandaan na may foul playang pagkamatay ng isang Korean national na nahulog sa jogging path veranda ng ikatlong palapag ng isang condominium sa Pasay City.
Kinilala ng Pasay City Police  ang korean national na si  Taehyeong Kim, nasa hustong gulang, na nahulog mula sa Unit 1240 ng Park Avenue Mansion na agad niyang ikinasawi.
Nagulat na lamang ang ilang tenant nang biglang bumagsak si Kim mula sa kanyang yunit kung saan halos hindi na makilala ito matapos madurog ang mukha at ulo sa sobrang taas ng kaniyang kinabagsakan.
Walang saplot  si Kim nang mahulog ito sa ikatlong palapag ng condo pero iginiit ng pulisya nawala silang makitang senyales na sinadya ang pangyayari.

Facebook Comments