Koreano, arestado dahil sa pagnanakaw sa Las Piñas City

25

Nahuli ng mga tauhan ng Las Piñas City Police Station ang isang koreano dahil sa kasong pagnanakaw.

Kinilala itong si Young Jun Han, 52-anyos, walang trabaho at residente ng Pamplona 3, Las Piñas City.


Batay sa ulat ng pulisya, tatlong tauhan ng Las Piñas City Police Station ang nag-isyu ng warrant of arrest sa suspek na hindi naman nanlaban.

Sa ngayon, nakakulong na sa Station Custodial Facility ng lungsod ang naarestong banyaga habang hinintay silang makapagpiyansa.

Facebook Comments