Koreano, arestado dahil sa pagwawala sa Boracay

34

Arestado ang isang dayuhang tour guide matapos magwala at ipahiya ang mga empleyado ng pantalan at guwardiya na sumita sa kanya sa Cagban Jetty Port sa Isla ng Boracay.

Nahaharap ngayon sa kasong Alarm and Scandal at Disobedience to the Agent of Person in Authority ang Korean national na si Jay Whisky Oscar Kim, 22-anyos, taga-Korea at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Balabag sa naturang Isla.

Ayon sa Malay Police Station, nagwala ang dayuhan nang sitahin ito ng security staff dahil sa halip kasi na sa workers lane ay sa residence lane ito pumasok.

Nabatid na ang Koreano ay gumagamit ng workers identification card.

Tinangka pa raw pakalmahin ng guwardiya ang naturang dayuhan pero pinagsisigawan na sila nito at kinunan rin sila ng video.

Kasalukuyan nakakulong sa Malay Police Station ang Koreano para sa karampatang disposisyon.

Facebook Comments