Koreano na inakusahang nanloko ng kababayan, inaresto ng Bureau of Immigration sa mismong kaarawan

Isang Koreano ang inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa mismong kanyang birthday matapos na lokohin umano nito ng mahigit one billion Korean won ang ilan niyang kababayan.

Ang Koreano na si Sin In Chul, 50, ay inaresto sa Birchwood Residence, Acacia Estates, Taguig City.

Mismong ang Korean Embassy sa Maynila ang nag-timbre sa BI na si Sin ay mapanganib sa mga Pilipino dahil isa itong pugante.


Nabatid na ang nasabing dayuhan ay subject din ng Interpol Seoul Notice matapos itong makapanloko ng 31 mga kababayan nito.

Ang kaniyang Korean passport ay nasa revocation process na rin ng Korean authorities.

Si Sin ay pansamantalang nasa custody ng CIDG-Manila, habang hinihintay ang resulta ng kanyang COVID-19 swab test.

Facebook Comments