Koreanong kabilang sa Top 10 Korean Fugitive, naaresto sa Pasig City

Nahuli ng mga tauhan ng Pasig City Police Station Intelligence Operatives ang Korea’s No. 10 Fugitive sa kanilang ikinasang operasyon sa Brgy. Ugong, Pasig City.

Kinilala itong si Voram Park, lalaki, 39 anyos, na may kinakaharap na kasong paglabag sa Art. 347-(1) of the Criminal Act of the Republic of Korea sa Supreme Prosecutors Office of Korea.

Ayon kay Police Major Jose Luis Aguirre, Chief Station Intelligence Section ng Pasig City, ang nahuling pugante ay miyembro ng voice phishing crime organization kung saan nakabiktima na ng libong indibidwal matapos na magpanggap sa kanilang mga nakakausap na sila ay mga loan officers sa isang financial institutions.


Siya ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng PNP at Korean National Police Agency (KNPA).

Facebook Comments