Korina Sanchez ginulat ang netizens sa kanyang beauty transformation

Trending ngayon sa social media ang billboard photo ng veteran news anchor na si Korina Sanchez. Si Korina ang pinakabagong endorser ng Belo Beauty kung saan ipinakita nito ang kanyang transformation. Pinuri naman ng netizens ang bago nitong mukha kung saan may ilan pang nagsabi na tila hawig ng 53 year-old tv personality si Jodi Sta. Maria at Liz Uy. Samantala meron din namang nagsabi na di umanoy photoshopped ang larawan. Sa kanyang instagram ay sinabi ni Korina na painless at non-surgical ang naging proceso sa pagpapaliit ng kanyang mukha.

Facebook Comments